Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

FilipinoNews

Buwan ng Wika, inilunsad ng Kagarawan ng Filipino

By Kyle Tan

|2 min read

0 views
Buwan ng Wika, inilunsad ng Kagarawan ng Filipino

Noong Agosto 1, ang Kagawaran ng Filipino ng Paaralang Xavier ay pormal na inilunsad Ang Buwan ng Wika at Kultura 2018 sa isang masigasig na pagpapahayag ni G. Jovanie Carpio (JHS Filipino) at Bb. Rachel Santos (SHS Filipino). Pinakilala din ang tema ng Buwan ng Wika sa taong ito na “Filipino ang Wika ng Saliksik”. Sa panahon na talamak ang Fake News, mahalaga ang Wika sa pagnanaliksik upang matuklasan ang katotohanan sa gitna ng mga huwad na impormasyon.

Walang pagkukulang ang paghahanda sa mga gawain ang kagarawan, mayroong mga kaganapan sa buong buwan ng Agosto para sa mga Junior at Senior High na estudyante. Sigurado na magiging isang buwan na puno ng kaligayahan, kagalakan, kahulugan, at ang layunin ng Buwan ng Wika — pagpapahalaga sa wika at pagiging Filipino.

Makakamit ang naturang layunin sa pamamagitan ng iba’t ibang laro at pagdiriwang na itatanghal sa kurso ng buwan ng Agosto. Katulad ng mga gawaing ito ang Wikang Tanong – isang kumpetisyon na makapaghahasa sa mga Xaverian ukol kanilang kaalaman sa iba’t ibang trivia sa Pilipinas (kultura, kaganapan sa Pilipinas, panitikan atbp.) Tawag ng Tanghalan – kung saan magpapakita ng talento ng pag-awit, PalakaXSan – ang mga tradisyunal ng larong Pilipino tulad ng Karera sa Kawayan at Patintero. Maliban dito, mayroon pang Paligsahang sa Paggawa ng Bulletin Board o ang PBB, isang kumpetisyon para sa pinakamahusay, pinakamaganda, at pinakamabuluhang bulletin board sa bawat klase. Para naman sa Senior High School, magaganap ang laro tulad ng DamaHUSAY at SungkaTALINO, panood ng pelikulang Pilipino, at isang bahagi na magpapalalim sa tema ng pananaliksik ngayong taon – ang talumpati ng “Fake News at Media Literacy”. Mararanasan din ang mga Tanghaliang Misa at ang mga pahayag ng ODS sa intercom na ginaganap sa sasabihin Filipino.

Gamit ang mga masisiglang gawain, ito ay magiging daan upang mas maging kumportable ang mga magaaral sa paggamit ng wika, para sa mas makahulugan na komunikasyon. Bilang dagdag, sana din ay maintindihan ng mga estudyante ang wika, kultura, at kasaysayan ng bayan. Tunay na hinihikayat ng Kagawaran ng Filipino ang mas taimtim na pagkilala at pagpapahalaga ng mga Xaverian ang kanilang pagiging Filipino at kung paano sila makaka-epekto ng positibong pagbabago sa komunidad, sa lipunan, sa Pilipinas.

About the Writer

Related Articles