Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

FilipinoLiterature

Mariang Ina Ko, Akayin Mo Ako

By Timothy John Andrei Co (12H)

|1 min read

3 views

Photo credits: Cody Sy/XS Media Team

ni Timothy John Andrei Co (12H)

Mariang Ina ko, akayin mo naman ako
Hiling ang iyong yakap, sa kawalan ng dako
Sa mundong madilim, sa pagkabagabag ng buhay
Patungo kay Kristo, ngayo’y ika’y aking tulay

Nang minsa’y problema ay rumaragasa,
Sa’king bulsa ang limampu’t tatlong pag-asa,
Sa paggalaw ng butil sa aking kamay,
Ikaw, Maria, ang Ina na aming gabay

Sa aming mga buhay, ika’y nais gayahin
Ang aming panalangin, kay Kristo mo’y inihain
Maria ng misteryo, hapis man o galak
Itong aming panalangin, para sa’yo bulaklak

Santa Maria sa iyo ang bughaw at puti,
Sa tulong mo, ang pagmamahal ay mapili
Sa gitna ng aming pagkasala’t kahirapan
Aming puso at panalangin sayo’y, nagiging kumpisalan

Mariang Ina ko, kami’y rin lahat anak mo,
Sarili, buwan, korona’t rosas, iniaalay para sayo
Sa dulo ng panahon, krusipiho ang buhay
Santa Maria Ina ng Diyos, ikaw rin aming Nanay

About the Writer

Related Articles