Chronos: Sa Bawat Oras
By Zeki Chua (12F)
|1 min read

Photo credits: Sebastian Villasin/XS Media Team
ni Zeki Chua (12F)
Sa bawat pagpatak ng oras,
Tick tock, tick tock
May bagong aral na naiiwan
Sa bawat pahina ng aming buhay,
May guro kaming gabay
Hindi man namin makita,
Ang haba ng landas na tatahakin,
Kayo ang ilaw ng aming daan,
Kapag ang bukas ay tila malabo pa.
Lumilipas ang mga araw,
Nagbabago ang mga mukha at silid-aralan,
Ngunit ang inyong salita
Ay nananatili sa aming puso’t isipan
At balang araw,
Kapag kami’y tuluyan nang lumakad palayo,
Dala namin ang liwanag
Na pinasa ninyo sa amin
Sapagkat ang oras ay maaring lumipas,
Tick tock, tick tock
Ngunit ang aral ay hindi kumukupas.
At sa pagdaan ng panahon,
Kayo pa rin ang liwanag
Na aming dadalhin
