Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Ang Araw ng Pagmamahal

By Raj Hortaleza

|1 min read

0 views
Ang Araw ng Pagmamahal

Isinulat ni Raj Hortaleza

Ang araw ng pagmamahal
Nakatingin sa bituwin
Sa balikat ko siyang isasandal at yayakapin
Sa isa’t isang mata kaming nakatingin
Nakangiti…
Naaalala…

Nararamdaman ang pag-ibig muli
Ang ganitong pag-ibig ay kakaiba
Nakakapanibago
Hindi maipapaliwanag sa isang salita


Ngunit, ang nararamdaman ko ay palaging nasa ala-ala
Maririnig bawat araw ang kanyang “Mahal kita”
At kapag ika’y tatalikod, andyan na siya
Ang pagmamahal ay tatagal dahil sa tiwala

Sa iyong kahirapan, nandiyan siya para mag-alala
Habang ikaw ay masaya o malungkot man, sasamahan ka niya
Ang relasyon na itinayo mula sa iyong pagmamahal ay isang regalo
Hindi gaya ng karamihang regalo, hindi ito binigay kundi pinaghihirapan ninyo

Ang pag-ibig ay prutas na tumutubo kahit na kayo’y na-gaaway
Nagtatampuhan o nagkakainisan
Basta’t palagi niyong tandaan na may mas importanteng bagay
Na hindi mapapatumba ng isang milyong away

Nitong araw ng pagmamahal
Gugulin n’yo ang iyong oras kasama ang inyong mahal sa buhay
Alalahanin, ikaw at ang iyong mahal ay papanaw
Ngunit, ang tunay na pagmamahal, ang tunay na pag-iibig,
ang tunay na halik o yakap ay hindi mapapawi

About the Writer

Related Articles