Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Literature

Ang Puno ng Kamatayan

By Jose Franco Castillo

|1 min read

0 views
Ang Puno ng Kamatayan

Sinabi sa akin ng nanay ko

na ang puno ng niyog ay ang puno ng buhay.

Mula sa balat, panggatong.

Mula sa kahoy, bahay.

Mula sa bunga, tubig at pagkain.


Dinala ako ng tatay ko mula

sa aming munting kubo papunta

sa kanyang pinagtatrabahuhan.


Marumi at madilim doon.

Mga kayumangging hugis ay

nagkalat sa sahig,

parang patong-patong na mga bangkay.


Kinuha ko ang isa sa mga ito

at tinanong sa aking ama kung ano ito.

“Niyog.” ang sabi niya.

“Niyog, kung papaano nila gusto.”


Nakikita ng aking mga mata

ang maliliit at tuyong mga bagay,

na nagsisimulang mag mukhang

kasuklam-suklam sa paningin.


Nakikita ng aking mga mata ang aking ama,

na nagtatrabaho para sa kanyang sahod na

sapat lamang upang mabuhay hanggang sa

susunod na araw.

Pawis at pagod, tinulungan ko siya.


Isang lalaki ang dumating upang bumili ng niyog,

“Kopra” ang tawag niya.

Bentesingko sentimos para sa isang kilo.

Sa kanyang pag-alis, ilang barya lamang

ang naiwan sa aking ama.


“Ang puno ng buhay.” lumilibak na sabi

ng aking ama, habang umiiling.

Malungkot na sumang-ayon ako.


Larawan: Amorsolo, F. C. (1956). Untitled (Coconut Farmers) [Watercolour on paper]. Retrieved from: https://salcedoauctions.com/item/15212

About the Writer

Related Articles