Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Bigyang Sinag, Aming Liwanag

By Jose Guiang (10A)

|1 min read

0 views
Bigyang Sinag, Aming Liwanag

Isinulat ni Jose Guiang (10A)

Bigyang Sinag, Aming Liwanag

Nakikita ko ang takot ng aking mga kaibigan sa sarili.
Iniiwasan nila ang katotohanan
Nag-aalala sa mga taong hindi nakakaintindi ng kanilang kaisipan
Dahil sa kaba na sila’y pagtawanan at pag-usapan

Araw-araw ay naglalakad, nakangiti na parang walang nangyayari.
Nagkukwentuhan na parang walang gustong sabihin.
Kahit kausap lang nila ay nagmumula sa ating paaralan
Natatago ang kanilang totoong kagandahan dahil lalaki rin ang kanilang sinisinta

Nakakalimutan niyo ang itinuro sa inyo.
Imbis na sakit sa puso, bakit ayaw niyong bigyan ng panyo.
Sa ilalim ng hagdan, ay umiiyak ng baha.
Ang kanilang pagkatao ay lagi na lang nasasalanta.

Ang totoong kalakasan, ay ang kakayahang itulak ang sarili.
Kahit ang buong mundo ay ang iyong kalaban.
Kailanman, hindi mawawala ang poot ng lipunan.
Wala kayong magagawa kundi lumaban.

Hindi ako babae, hindi rin ako bakla.
Ngunit nasasaktan ako, dahil ang aking mga kaibigan ay tala.
Kahit sila’y nasasaktan, nagsisikap silang ipakita ang kanilang ilaw.
Sila lang talaga, ang nakakapagbigyang sinag sa sariling liwanag.

About the Writer

Related Articles