Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Guro: Aming Superhero

By Charles Sombrito (12E)

|1 min read

0 views
Guro: Aming Superhero

ni Charles Sombrito (12E)

Ang aming guro’y palaging pursigido,

Para kanilang mag-aaral tunay na matuto,

Kahit mahina man ang koneksyon,

O sumama man ang panahon, patuloy sila sa pagtuturo .

Balewala sa kanila ang hamong dala ng pandemya,

Ayaw nilang ang kanilang mag-aaral ay hindi matuto.

Disiplina ang pumasok nang maaga,

At umuuwi nang may nalalamang bago.

Malaki man ang hamon sa kanilang pagtuturo,

Ang mga guro ‘di pa rin nabibigo,

Hindi nabibigong magbigay ng kaalaman,

Para sa kapakanan ng kabataan.

Sa lahat ng mga guro, salamat sa inyo!

Kami’y hindi matututo kung wala kayo,

Saludo kami sa inyong tapang at determinasyon,

At para sa amin, kayo’y isang malaking inspirasyon.

About the Writer

Related Articles