Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Halaga ng Buhay sa Panahon ng Krisis

By aidangocheco

|2 min read

0 views
Halaga ng Buhay sa Panahon ng Krisis

AMERIKA —— Libo-libong tao ay nagsama-sama sa kalsada at nagprotesta laban sa gobyerno ukol sa hinihingi nilang kalayaan inbis sa quarantine.

Sa loob ng labing walong estado ng Amerika, nagkagulo ang kanilang mamamayan at lumabas ng kanilang mga bahay upang maghimagsik para sa kanilang kalagayan ng quarantine. Ayon sa kanila, ang mga mahigpit na batas ng quarantine na ipinatupad ng gobyerno ay mas nakakasama sa kanilang negosyo at buhay. Labis silang naghihirap na mas gusto nilang ilagay sa panganib ang kanilang buhay kaysa pansamantalang pagsara ng negosyo. Karamihan sa mga nagpoprotesta ay ang mga konserbatibo, pro-Trump, at pro-gun na aktibista. Pakiramdam nila na lahat sa kanila ay nahihirapan na sa mga epekto ng lockdown lalong lalo na sa kanilang kabuhayan.

Batay sa isang pagsusuri na isinagawa ng isang Research Center sa Amerika, 66% lamang ng mga Amerikano ay nababalisa na malagay sa panganib kapag masyadong maaga na matanggal ang lockdown, at 32% lamang sa kanila ay nababalisa na masisira ang ekonomiya kung hindi nila matiyempuhan ang tamang oras sa pag-angat ng lockdown. Hindi lahat ng Amerikano ay sumasangayon sa pagkaroon ng lockdown dahil sa pagsara ng negosyo at pagkawala ng trabaho. Kahit na ipinapakita ng mga nagprotesta ang kanilang lakas ng kalooban at pagmamalasakit sa ilang mga miyembro ng kanilang kommunidad, nakalimutan nila na hindi lang sila ang nakatira at nabubuhay sa mundong ito. Ang kanilang ginawa ay isang halimbawa ng pagkawalang-pakialam ng mga tao sa kanilang kapwa tao.

Ang integridad ng isang tao ay hindi batay sa kanyang lakas ng loob na makuha ang gusto niya kahit na ano ang mangyari, kundi ito ay batay sa kanyang kabutihan at pagpapahalaga sa iba. Ang taong may integridad ay walang pakialam sa kanyang pasariling pakinabang.

Lahat tayo ay naghihirap sa panahon na krisis. Ang pagpapahayag ng iyong opinyon at boses ay bahagi ng ating kalayaan. Ngunit ang paglabag sa kabutihan ng iba at ang kawalan ng pagpapahalaga sa kanila ay hindi katanggap-tanggap. Hinihingi natin na matanggal at matapos na ang krisis ng COVID-19. Subalit hindi iyan mangyayari kung patuloy nating makakalimutan ang tunay na mahalaga sa buhay. Para malagpasan natin ang krisis na ito, kailangan natin ng respeto, pagtititiis, at bukas na isipan. Ang pinakamahalaga sa lahat ng ito ay ang pagmamahal para sa lahat.

About the Writer

Related Articles