Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Handa Na Ba Tayo?

By Raj Hortaleza (10C)

|3 min read

0 views
Handa Na Ba Tayo?

Isinulat ni Raj Hortaleza (10C)

Noong Setyembre 20, pinayagan na ni President Rodrigo Duterte ang limitadong pisikal na klase sa higit isang daan at dalawampung eskwelahan sa Pilipinas. Ang pagpili sa mga eskwelahan ay nakabatay sa lala ng Coronavirus at sitwasyon sa isang lugar. Sa press briefing, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga detalye. Maaari nang buksan ng mga paaralan ang kanilang pinto sa mga estudyante, ngunit may ilang kundisyon. Nakalagay na ang araw ng klase ay kalahating araw at paisa- isang linggo lamang. Dagdag pa rito, ibinigay nila ang bilang sa pinakamaraming estudyante na puwede sa loob ng isang classroom. Basesa balita na naibigay, ito muna ang mga taong maaring pumasok at magkakaroon ng hanggang labindalawa na estudyante para sa kindergarden, labing-anim para sa mga grades 1-3, at dalawampu sa Senior high school. Subalit kahit na masaya ang mga Pilipino sa desisyon ng gobyerno, ang mahalagang tanong ay “Handa na ba tayo?”. Ito ay ilan sa mga implikasyon kung sakaling magbalik na ang pisikal na klase,

EKONOMIYA:

Malaki ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya ng ating bansa. Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng malalaking kumpanya at lugar. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, mga 4.5 million na Pilipino ang nawalan ng trabaho sa loob ng pandemya. Kasama dito ay ang mga security guard, janitor, driver, at iba pang klase ng trabaho na nawalan ng kita kasama sa pagkawala ng face to face classes. Ngayon na mapupuno muli ang lugar, kakailanganin ulit ng mga taong magtratrabaho sa loob ng silid aralan. Dahil dito, magiging solusyon ito sa problema ng unemployment at magkakaroon ng konting pag-unlad ng ekonomiya sa ating bansa.

KALAGAYAN NG MGA ESTUDYANTE

Bukod sa magkakatrabaho na ang ibang Pilipino, dagdag din ni PresidentialSpokesperson Roque na maganda na rin ito para sa kaayusan ng kaisipan ng mga estudyante. Maayos ang kapaligirang panlipunan ng mga estudyante dahil sila ay pwede nang makipag-ugnayan sa tao na hindi na mula sa laptop o selpon. Sa bahay, maraming estudyante ay may mga bagay o ginagawa bukod sa pag-aaral na nakakagambala at ito ay nakakaapekto sa kanilang kalagayan sa eskwelahan. Kapag nag-aaral na ang mga estudyante sa loob ng silid aralan kasama ang kanilang mga kaklase, mas mauunawaan na nila ang kanilang pinag-aaralan dahil kaunti na lamang ang distraksyon. Magkakaroon na ulit ng oportunidad ang mga estudyante na makipag-usap sa kanilang mga kaibigan at kaklase tungkol sa mga takdang aralin at ito ang uri ng komunikasyon na makakatulong sa gawain. Pangalawa, mas makakasalin na ang aralin lalo na para sa mga bata dahil hindi na ito virtual at pwede na silang gumawa ng aktibidad na mas makakatulong sa pagi-intindi ng aralin na hindi nila pwedeng gawin sa online dahil sa limitadong kagamitan.

POSIBLENG MAGKAROON NG OUTBREAK ULIT:

Bagama’t mas mainam ang pisikal na klase, hindi makakaya ng Pilipinas kapag ito ay magiging dahilan sa isa pang outbreak na pwedeng mangyari sa iba’t ibang lugar. Bagama’t konti lang ang mga kaso sa lugar na magbubukas ang mga paaralan, hindi sigurado na protektado at maayos ang kalagayan ng mga bata. Hindi rin sila mababantayan lalo na kapag tapos na ang mga klase. Kaya paano tayong magiging sigurado na magaganap ang tamang social distancing sa loob. Dagdag pa rito, hindi lahat ng mga tao na papasok sa paaralan ay kayang magpakuha ng swab test araw araw at kaya hindi malalaman kung ang isang tao ay mayroong Coronavirus kapag siya ay pumasok sa eskwelahan. Batay sa mga istatistika, 19.7 milyong Pilipino pa lang ay bakunado na. Kinakailangang higit 70 milyong Pilipino ang bakunado para madeklara ang bansa na ligtas mula sa estado ng pandemya. Sa 19.7 milyong Pilipino, kaunti lamang ay ang nanggagaling sa edad ng mga bata dahil kamakailan lamang pinayagan ang mga bata na magpabakuna. Dahil dito mataas ang posibilidad na kumalat ang virus sa loob ng paaralan.

Kahit na sabik na ang mga Pilipino na bumalik sa paaralan pumasok, hindi pa handa ang Pilipinas para magpatuloy sa face to face classes. Maraming magagandang pangyayari kung maitutuloy ang planong ito, pero ang tsansa sa panganib na pwedeng mangyari batay sa mga istatistika at implikasyon ay masyadong mataas. Kung payagan na ulit ang pagpasok, mas uunlad ang ekonomiya at ang buhay ng mga nawalan ng trabaho noong pandemya dahil ang mga serbisyo gaya ng mga jeepney driver o tren ay maigagamit na, ngunit maaring tataas rin ang mga kaso ng virus sa bansa at tatagal ang panahon ng pandemya. Mas mabuti sigurong magpokus muna ang gobyerno sa pagbalik sa normal dahil kapag nawala na ang Coronavirus sa Pilipinas, susunod ang pagbangon ng ibat ibang aspekto ng ekonomiya.

SOURCE:

https://www.rappler.com/nation/duterte-approves-pilot-run-limited-face-to-face-classes-school-year-2021-2022

About the Writer

Related Articles