Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

FilipinoLiterature

Kapit Lang Kapatid

By russjasonrelucio

|1 min read

0 views
Kapit Lang Kapatid

Para sa lahat ng makaka-basa sa tulang ito

Naiintindihan ko na tayong lahat ay

Nagdurusa ngayon sa isang

Nakapipinsalang Panahon.

Ngayon ang mga panahon kung saan

Nawawalan kahulugan ang salitang

PAG-ASA.

Kaya’t nasaan ka man sa mundo,

iisa lang ako mensahe ko,

Kapit lang kapatid

Kahit na madilim ang langit,

At tila parang walang araw ang sumisikat sa araw-araw,

Kapit lang kapatid.

Kahit na walang laman ang mga daan,

At wala ng mga bukas na tindahan,

Kapit lang kapatid.

Kahit na swueldo’y ‘di na sapat,

At wala ng maihain sa pamilya,

Kapit lang kapatid.

At kung nararamdaman mo na nasa dulo ka na ng bangin,

Hanggang sa huling butil ng iyong lakas,

Kapit lang kapatid.

Sabay-sabay tayong aahon mula sa mga alon ng kahirapan

Sabay-sabay tayong magtataas ng kamay sa tagumpay.

Sabay-sabay tayong manunuod ng bumabangon na araw.

At hanggang sa panahong iyon,

KUMAPIT KA LANG KAPATID.

About the Writer

Related Articles