MGA BITUIN NG PILIPINAS
By Derrick Buhain (12C) and Dean Espinar (12F)
|7 min read

Isinulat ni Derrick Buhain (12-C) at Dean Espinar (12-F)
Mula noon hanggang ngayon, hindi nawawala ang pagmamahal ng mga Pilipino sa pagsabak sa palakasan. Sa bawat lungsod ng Pilipinas, mayroong makikitang mga batang nagtitiyaga sa pag-eensayo habang umaasa na isang araw ay mabibigyan din sila ng pagkakataon na kumatawan sa bayan katulad ng kanilang mga idolo. Dito na nagsimula ang mahaba at makulay na kasaysayan ng palakasan sa pilipinas. Taon taon, masayang inaabangan ng mamamayang Pilipino ang mga pandaigdigang palakasan kung saan nakikipagpaligsahan ang Pilipinas sa ibang mga bansa. Maraming atleta na ang kumatawan para sa bayan, ngunit may mga iba na nag-iwan ng pamana sa Pilipinas dahil sa kanilang galing. Ngayong Buwan ng Wika, kilalanin natin ang mga taong nakapagbigay ng luwalhati sa bansa at maituturing na Philippine sports heroes.
Francisco “Pancho Villa” Guilledo
Si Francisco Guilledo o kilala bilang ‘Pancho Villa’ dahil nakuwa niya ang pangalan na ito galing sa kanyang manager na si Frank Churchill nagmula sa isang Mehikano na rebolusyonista. Sa panahon ngayon ang madalas na pinag uusapan na mga boksingero, sina Manny Pacquiao o kaya si Gabriel “Flash” Elorde, pero hindi alam ng mga kababayan na dahil sa kanya nandiyan silang lahat. Si Pancho Villa ay kauna unahang Pilipino at Asyano na nanalo laban sa mga taga-kanluran. Tinalo niya si Welshman Jimmy Wilde isang kinakatakutan na boksingero para sa flyweight championship. Napatumba niya ito sa ikapitong round. Dahil dito ito ang unang ‘golden age’ ng boxing sa Pilipinas , naipakita ni Francisco na malakas rin ang mga taong taga Pilipinas pati na rin ang buong Asia. Ang mga panalo at kapeon niya ang nagbigay ng malawak at malayon na daan para sa mga sumunod at susunod pa na mga bosingekro sa ating bansa.
Eugene Torre
Si Eugene Torre ay ang pinakaunang chess grandmaster sa Asya. Ang chess grandmaster ay ang pinakamataas na karangalang pwedeng makuha ng isang mahusay na manlalaro sa larangang ito. Ang paglalaro ng chess ay hindi biro, kailangan mong magkaroon ng dedikasyon, matalas na isipan, at maging mapagmatyag sa galaw ng kalaban. Sa edad na dalawampu’t dalawa ay nakauwi siya ng medalyang yari sa pilak. Ayon kay Eugene Torre, ang mga Asyano ay hindi ganun kagaling pagdating sa mga larong panloob at may kinalaman sa mentalidad. Hindi lamang nito sinusubok ang iyong kakayahang pisikal, bagkus ay pinapalakas rin nito ang iyong kakayahan na mag-isip nang mas malawak at mas malalim. Dahil dito, nakakagulat ang mga panalo ni Eugene hindi lang para sa mga Pilipino, kundi pati rin sa mga ibang bansa. Ito ay simbolo na may sariling kakayahan ang mga Pilipino.
Lydia De Vega
Si Lydia De Vega ay tinaguring pinakamabilis na babae sa buong Asya noong 1980s. Kaya niyang tumakbo nang mahigit 100 metro sa loob ng 11.28 segundo. Sa angking bilis na kanyang ipinamalas, hindi lamang ginto at pilak na medalya ang kanyang naiuwi para sa bansang Pilipinas kundi pati mga papuri at karangalan. Siya ang may hawak ng record sa SEA games para sa 100 metrong pagtakbo sa loob ng 11.28 segundo noong 1987 at 200 metrong pagtakbo sa loob ng 23.35 segundo mula noong taong 1982 – 2001. Katulad ng ibang manlalaro, nagkaroon din siya ng di inaasang aksidente at nagresulta ito ng pansamantalang pagtigil ng kanyang karera. Ngunit sa kabila ng mga trahedyang ito ay nagpatuloy pa rin siya sa pag- abot ng kanyang mga pangarap. Hindi niya pinansin ang mga sakit na naramdaman niya upang mabuhos ang kanyang buong lakas sa kumpetisyon at maiuwi ang limpak- limpak na madaming medalya sa Pilipinas. Ang kanyang sipag at determinasyon sa kumpetisyon ay laging maaalala bilang isa sa mga pinakadakilang sakripisyo ng isang tao para sa Pilipinas.
Eric Buhain
Si Eric Buhain ay naging bayani sa larangan ng paglanggoy. Nakahakot siya ng mahigit labintatlong gintong medalya para sa bansang Pilipinas. Ang nakakagulat dito ay ginawa ni Eric ito noong labinlimang taong gulang pa lamang siya. Dalawang taon bago magsimula ang paligsahan sa paglangoy ay nagkaroon ng maraming trahedya ang bansang Pilipinas partikular na ang lungsod ng Maynila. Ang mga kalamidad at unos ay ang naging dahilan sa hirap sa ekonomiya ng bansa. Ngunit nang dahil sa pagkapanalo ni Eric Buhain sa ikalabing-anim na Southeast Asian Games na idinaos rito sa Pilipinas, mas lumago ang kasiglahan at ekonomiya ng ating bansa. Ito ay naganap dahil sa pagbibigay ni Eric ng pag-asa at inspirasyon na nagtataguyod ng nasyonalismo sa buong Pilipinas. Di niya akalain na ang kanyang paglangoy ay hindi lang magiging susi ng kanyang tuluyang paggaling, naging dahilan din ito para makapagbigay siya ng karangalan sa bansang kanyang sinilangan. Hindi lamang siya naging mahusay sa larangan ng sports, ngunit pati na rin sa kanyang akademiks. Si Eric ay nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang summa cum laude.
Francisco Bustamante
Si Francisco Bustamante ay tinaguring pinakadakilang internasyonal na bituin sa larangan ng pagbibilyar. Sa edad na sampung taong gulang ay nagsimula na ang kahiligan niya sa paglalaro ng bilyar. Maraming karangalan na ang kanyang nahakot tulad ng Columbus 10-ball Open at naging kauna- unahang manlalaro na nakakuha ng tatlong Camel nang sunod- sunod sa isang panahon. Hindi niya lamang nailusot ang mga bolang may iba’t ibang numero at kulay, kundi nasapol niya rin ang maraming kayamanang nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas. Sa paglalaro ng bilyar, minsan ay kakapusin ka ng anggulo at tira, na siyang magiging dahilan ng iyong pagkatalo at pagkabagsak. Noong 2002, ang dating mainit na mga bola at nag-liliyab na cue ay bigla na lang lumamig. Ang dating makukulay na bola ng bilyar ay tila naging itim sa pagkawala ng kanyang anak na babae. Dahil sa pangyayaring ito ay nawala sa momentum ang pinakadakilang at tanyag na atleta sa larangan ng bilyar at tuluyang natalo siya sa kumpetisyon. Subalit sa kanyang pagkatalo, malaki pa rin ang natulong ni Francisco Bustamante sa reputasyon at pamana ng bansa sa mundo ng pagbibilyar.
Rafael “Paeng” Nepomuceno
Sa Pilipinas ang mga isports kagaya ng basketball, soccer at volleyball ang pinakasikat na mga larong nilalaro ng kababayang Pilipino, Pero higit dito , sa mundo ng bowling, si Rafael “Paeng” Nepomuceno ay isang matagumpay na atleta ng Pilipinas. Siya ang pinakabatang lalaki na nanalo ng World Bowling Championship. Nanalo siya ng anim na beses sa kanyang career. Kasama din sa mga nagawa niya ay nakamit ang Legion of Honour noong 1999 at parte rin siya ng World Bowling Hall of Famer. Sakadamidaming titolo niya nabasag rin ni Rafael ang sarili niyang world record noong 2019 dahil nakakhuwa siya ng 133 na titolo. Si Paeng ay naging inspirasyon para sa mga atleta sa isport at siya rin ang nagpasikat sa larong bowling sa Pilipinas. Dahil kay Paeng , nagkaroon ng opportunidad ang mga Pilipino gawin isang karera ang paglalaro ng Bowling at sumikat dito.
Hidilyn Diaz
Si Hidilyn Diaz ang unang Filipina weightlifter na nakakuha ng gintong medalya para sa bansang Pilipinas. Datia, ang mga kababaihan ay hindi inaasahan na maging magaling sa sports at binibigyan ng limitasyon tungkol sa ano ang kanilang pwedeng gawin. Ngunit, pinatunayan ni Hidilyn na ang kakayahan ng mga kababaihan ay hindi maaring limitahan, dahil kung kaya ng mga lalaki, kaya rin ng mga babae. Kamakailan ay nanalo siya ng gintong medalya, sa Olympics 2020 sa Tokyo. Ito ay mahalaga dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo tayo ng ginto sa Olympics. Hindi lamang siya nanalo ng ginto at pilak na medalya, ngunit isa rin siya sa mga unang Filipina na nakipagpaligsahan sa tatlong sunod-sunod na Olympics. Bukod dito, si Hidilyn ay isang sundalo na matapang na lumalaban para sa kaligtasan ng mga Pilipino. Bilang atleta at sundalo, isang inspirasyon si Hidilyn para sa mga batang babae na tuparin nila ang kanilang mga pangarap kahit ano pa ang sabihin ng mga tao sa kanila.
Sa larangan ng palakasan, ang mga atleta ng Pilipinas ay bukod-tangi sa kanilang ginagawa. Inspirasyon sila para sa mga Pilipino, lalo na ang nakababatang henerasyon na ipagpatuloy nila ang kanilang mga pangarap. Ang kanilang pagsisikap at mga panalo ay paraan ng pagbibigay at pagpapakita ng pagmamahal sa bansang Pilipinas. Magpakailanman, hindi makakalimutan ng mga Pilipino ang serbisyo ng pitong bayani sa palakasan na itinuturing silang bituin ng ating bayan.
Mga Sanggunian:
Greatest Filipino athletes in SEA games: Eric Buhain turned the pool into playground. (2019, November 29). Retrieved from https://www.spin.ph/multisport/sea-games/greatest-filipino-athletes-in-sea-games-eric-buhain-a795-20191129
Matel, P. (2021, April 22). Chess legend Eugene Torre ‘very proud as a Filipino’ after hall of fame induction. Retrieved from https://tv5.espn.com/story/_/id/31307665/chess-legend-eugene-torre-very-proud-filipino-hall-fame-induction
Peoplepill.com. (n.d.). Francisco Bustamante. Retrieved from https://peoplepill.com/people/francisco-bustamante-2
Francisco Bustamante. (n.d.). Retrieved from https://www.azbilliards.com/person/francisco-bustamante/
Hidilyn Diaz: A victor’s crown. (2016, December 6). Retrieved from https://www.deped.gov.ph/2016/12/06/hidilyn-diaz-a-victors-crown/
Lydia DE VEGA. (n.d.). Retrieved from https://olympics.com/en/athletes/lydia-de-vega
Lydia de Vega about Asia’s #1 amazing sprint Queen. (2020, December 8). Retrieved from https://www.pinoyathletics.info/lydia-de-vega/
Encyclopædia Britannica, inc. (n.d.). Pancho Villa. Encyclopædia Britannica. https://www.britannica.com/biography/Pancho-Villa-boxer.
Lee, I. (1970, January 1). Pancho villa, the First FILIPINO boxer to beat the Americans at their own game. Esquiremag.ph. https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/pancho-villa-a2502-20200418-lfrm.
Paeng Nepomuceno official website. Summary of Achievements | Paeng Nepomuceno Official Website. (n.d.). http://www.paengbowling.com/summary-achievements.
Peoplepill.com. (n.d.). About Paeng Nepomuceno: FILIPINO ten-pin Bowler (1957-): Biography, Facts, career, wiki, life. peoplepill.com. https://peoplepill.com/people/paeng-nepomuceno.
Zarate, N. (2019, September 15). Why Paeng NEPOMUCENO remains relevant in Philippine bowling. ESPN. https://www.espn.com/story/_/id/27617101/the-evolution-paeng-nepomuceno.
Litrato mula sa: https://alchetron.com/Paeng-Nepomuceno

