Mga Pangunahing Kandidato para sa Pangulo sa Halalan 2022
By Jose Guiang (10A)
|8 min read
Isinulat ni Jose Guiang (10A)
Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 nang ang mga kandidato para sa posisyon ng Presidente ng Pilipinas ay naghain ng Sertipiko ng Kandidasiya sa Sofitel Philippine Plaza Manila. Bago ang Halaan 2022, tatalakayin sa ibaba ang mga impormasyon tungkol sa bawat kandidato na dapat isipin kapag boboto.
Manny Pacquiao
Si Senator Manny Pacquiao ay naghain ng kanyang CoC(Certificate of Candidacy) noong Oktubre 1. Ang kanyang kapartido na si Lito Atienza ang tatakbo bilang bise presidente niya. Ang sikat na boksingero ay nakarehistro bilang kandidato ng Probinsya Muna Development Initiative (Promdi).
“I believe that Manny Pacquiao is the only hope we have in improving our lives, much like how he changed his life from poverty to become the best boxer in the world,” sabi ni Lito Atienza.
Si Pacquiao ay tumakbo at nanalo para sa isang posisyon sa Senado noong 2016, at muli noong 2019. Mula 2010, nakasulat siya ng 116 na panukalang batas. Ngunit, siya rin ay ang pinangalanang top absentee sa senado mula July 2018 hanggang June 2019.
Bilang isang miyembro ng malaking partidong at isang sikat na atleta, si Pacquiao ay nakakatanggap ng maraming suporta galing sa mababang sektor ng Pilipinas at sa rehiyon ng Visayas. Sa pagsusuri na ginawa ng Pulsa Asia na inilabas noong July 13, si Pacquiao at Bong Bong Marcos ay nasa ikaapat na pwesto sa Class E.
Maraming isyu ang hinarap ni Manny noong siya ay naging isang senador. Isa rito ay ang kanyang mga komento sa same-sex marriage sa Pilipinas. “As Christian bawal naman yung same-sex marriage. Ginawa ang babae para sa lalaki. Ginawa ang lalaki para sa babae. Kasi para sa akin, common sense lang. Makakita ka ba ng any animal na lalaki sa lalaki o babae sa babae. Mas mabuti pa ang hayop. Marunong kumilala kung [lalaki o babae]. O di ba? Ngayon kung lalaki sa lalaki at babae sa babae, e mas masahol pa sa hayop ang tao. O di ba? Hayop lang. Hindi naman pwedeng magsama ang lalaki sa lalaki. Pero, I’m not condemning. I’m not condemning them. Yung marriage lang.”
Ang komento na ito ay nagdulot ng galit sa mga artista na nagsalita para sa komunidad ng LGBTQ+ sa Pilipinas. Marami rin siyang natanggap na salita galing sa ordinaryong tao lalo na sa Twitter at Facebook.
“Isko Moreno” Domagoso
Si Mayor “Isko Moreno” Domagoso ay naghain ng kanyang CoC para sa posisyon ng Presidente noong Oktubre 4. Ang kanyang kapartido sa Aksyon Demokratiko na si Willie Ong ay tatakbo bilang Bise Presidente niya.
“Ngayon mga kababayan, tanggapin niyo po ang aplikasyon ko nang buong kababaang loob, ako po ay tumatakbong Pangulo ng bansa at aplikante ninyo,” sabi ni Moreno pagkatapos maghain ng CoC.
Si Isko Moreno ay huling tumakbo bilang Alkalde ng Maynila noong 2019. Siya ay unang sumikat bilang isang artista noong dekada nobenta. Ngunit, dumami ang kanyang mga tagasuporta matapos niyang linisin ang mga kalsada na puro mga manlalako at vendor lalo na sa Recto, Divisoria, Soler, at Carriedo. Sumikat rin siya sa kanyang mga pauso na salita kagaya ng yorme (kabaliktaran ng mayor) at etneb (kabaliktaran ng bente).
Malakas si Isko sa mga estudyante ng Maynila, lalo na sa nag-aaral sa UDM (Universidad ng Maynila). Gumawa siya ng isang ordinansa na nagbibigay ng Php 1000 sa kolehiyo at Php 500 sa Senior High School para sa mga kwalipikadong estudyante ng PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) at UDM. Dagdag pa rito, nagsagawa rin siya ng isang ordinansa na nagbibigay karapatan sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+ na makaiwas sa diskriminasyon, lalo na sa trabaho at sa ibang oportunidad.
Bongbong Marcos
Si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naghain ng kanyang CoC sa pagkapangulo noong Oktubre 6. Siya ay mangangampanya sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Sa nakaraang halaan, tumakbo na si Bongbong Marcos bilang Bise Presidente, ngunit natalo siya ni Leni Robredo sa halalang iyon. Ngayon, susubukan na naman niyang makakuha ng posisyon sa gobyerno. Ilan sa mga karanasan na dala niya ay ang pagsisilbi bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Si Bongbong ay nakapagsulat ng higit sa 60 na batas. Kabilang dito ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act, the Cybercrime Prevention Act, the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, and the National Health Insurance Act.
”Join me in this noblest of causes, and we will succeed,” sabi ni Bongbong sa kanyang talumpati.
“If we have learned anything in this time of Covid pandemic, it is that each of us, no matter our station, is in need of the help of our fellow Filipinos,” dagdag pa niya.
Si Bongbong ay ang nag-iisang lalaking anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. Siya, kasama ang kanyang pamilya, ay pinaalis sa Pilipinas noong 1986 dahil sa EDSA Revolution. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1992.
Kadalasan nagkakaroon ng mga isyu ang dating Senador dahil sa kanyang pamilya, kasaysayan, at mga sinasabi. Isang halimbawa ay noong septembre 13, sa kanyang kaarawan kung saan ipinalabas ang panayam ni Toni Gonzaga.
“Lies. I’m really tired of hearing lies that have already been disproven, not necessarily about my family, about me,” sinabi ni BBM sa kanyang interview.
“The US District court in Hawaii in 1995 ruled in favor of 9,539 Martial Law victims in a class suit. They sought damage or reparations from the Marcoses for human rights violations and the court awarded $1.96 billion to the claimants. The US 9th Circuit Court of Appeals backed the Hawaii court’s decision in 1996,” sabi sa isang artikulo ng Rappler.
“I’m the son of the longest lasting president who brought the Philippines into the modern world,” sabi rin ni Bongbong. Ngunit, sa isang panayam na galing sa isang guro sa UP Economics, “You will see that the economy underwent great changes. The worst recession that the economy experienced in the post-war period. And it was his (Marcos’s) creation.”
Ang kanyang mga salita ay naging puhunan ng galit mula sa mamamayang Pilipino dahil ayon sa marami, ito ay nagmukhang pagtatago ng katotohanan at paglilinis ng reputasyon. Iisa lang iyan sa mga naging isyu ni Bongbong sa mga nakaraang taon.
Sa pagsisiyasat na ginawa ng Pulse Asia, si Bongbong Marcos ay ang pangatlo sa listahan ng napisisil na presidente ng mga Pilipino. Malakas si Marcos sa NCR, Luzon at sa Class ABC.
Panfilo “Ping” Lacson
Si Panfilo “Ping” Lacson ay naghain ng CoC sa pagka-Pangulo noong Oktubre 6. Siya at ang kanyang kapartido na si Tito Sotto na tatakbong Bise Presidente, ay tatakbo sa ilalim ng Partido para sa Demokratikong Reporma.
“Mayroon kaming sapat na kakayahan, katapatan, at katapangan upang pamunuan ang ating bansa at upang muling bumangon sa ating pagkakalugmok. Malaking hamon subalit kailangang maibalik ang tiwala ng ating mamamayan sa gobyerno at sa mga namumuno.” sabi ng Senador sa anunsyo ng kanyang pagkakandidato.
Si Lacson ay huling tumakbo at nanalo bilang Senador noong 2019. Noong Halalan 2004, tumakbo siya pagkapangulo, ngunit tinalo ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Noong 2018, ipinasa ni Lacson ang mas pinahigpit na Anti-Hazing act matapos mamatay ang UST freshman na si Horacio “Atio” Castillo III. Ang kanyang kamatayan ay naging malaking isyu sa social media. Dahil sa bagong batas, lumaki ang mga parusa para sa mga kapatirang gagawa ng hazing, lalo na sa kolehiyo.
Minungkahi rin ni Lacson ang bagong National ID System ng Pilipinas noong 2018. Ang paggawa ng batas na ito ay sinumulan noong dekada nobenta. Napapadali ng National ID system ang proseso sa mga serbisyo ng gobyerno. Napapalitan nito ang iba’t ibang government ID katulad ng SSS at PhilHealth Card.
Sa datos na isinumite ng Pulse Asia, pampito lamang si Senator Lacson. Ngunit, apat lang sa mga may lamang sa kanya ay ang tumakbo.
Leni Robredo
Inihain ni Maria Leonor “Leni” Robredo ang kanyang CoC sa pagkapangulo noong Oktubre 7. Kasama niyang tumakbo ay si Kiko Pangilinan para naman sa posisyon na bise presidente sa ilalim ng Partido Liberal.
“Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako. Lalaban tayo. Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022,” sabi ni Leni sa kanyang talumpati.
Si Leni ay ang kasalukuyang bise presidente ng Pilpinas. Nakapaghain si Leni ng 110 na panukalang batas. Habang Bise Presidente, siya ay naging Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs at Chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Pinupuri si Leni sa naging tugon ng Opisina ng Bise Presidente sa pandemya. Ang kanyang opisina ay nakabili ng Php 503M na halaga ng COVID-19 response kit, Php 58.84M halaga ng testing kit, Php 64.7M na halaga ng PPE at nakapagbigay serbisyo sa 23,345 na frontliner.
Isa rin siya sa mga tagasulat ng Anti-Discrimination Bill. Ipinagtatanggol ng batas ang mga taong posibleng makaranas ng diskriminasyon, lalo na sa kulay, kasarian, sekswalidad, relihiyon at iba pa. Ito ay pinuri ng mamamayan, ngunit hindi naipasa sa Senado.
Kabilang pa sa kanyang mga nasulat ang Full Disclosure Bill. Sa ilalim ng batas na ito, kailangan ng mga opisyal ng gobyerno na ipakita ang lahat ng transaksyon, badyet at iba pa.
Ang Bise Presidente ay nakakatanggap ng maraming suporta sa social media, lalo na sa Instagram. Pang-anim si Leni sa datos ng Pulsa Asia. Wala masyadong pinagkaiba sa dami ng kanyang tagasuporta sa iba’t ibang rehiyon at uring panlipunan.
Bato Dela Rosa
Inihain ni Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang CoC sa pagkapangulo noong Oktubre 8. Kasama niya sa Halalan 2022 si Sen. “Bong” Go, sa ilalim ng PDP-Laban. Maraming nagulat sa kanyang pagtakbo. “Wala kaming ulo. I think PDP [Laban] decided last minute, during the last day of filing of the certificates, that it would be good to have at least a head of the whole team,” sabi ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa Davao City.
“Sa totoo lang, he might still make it, with so many candidates filing their certificates of candidacies, you can never tell the destiny of man,” dagdag pa ni Duterte.
Si Dela Rosa ay naging senador noong 2019. Bago nito, siya ay naging Hepe ng PNP sa ilalim ng unang tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Nagsilbi rin siya bilang Hepe ng Pulis sa Davao, noong si Duterte pa ang alkalde ng lungsod.
Si Bato ay ang namuno sa “Giyera Kontra Droga” ni Pangulong Duterte. Ito ay naging malaking isyu sa bansa dahil nilabag nito ang mga karapatang pantao ng mga biktima. Libo-libo ang namatay sa giyera. Binatikos ng ilang organisasyon ang giyera dahil sa mga “extra-judicial killings.” Ang Oplan Tokhang, isang proyekto ni Dela Rosa sa ilalim ng giyerang ito, ay ang itinuturong sanhi ng mga kamatayan. Nakikita sa mga dokumento ng Tokhang na karamihan sa mga namatay ay pinatay sa kanilang bahay nang walang warrant.
Sa ngayon, si Bato ay ang pinakamahina sa mga pangunahing kandidato sa pagkapangulo. Hindi siya nakasama sa pagsisiyayat ng Pulse Asia.
Mga Sanggunian:
‘Substitution’ speculation floats as Bato dela Rosa files COC for president
https://cnnphilippines.com/news/2021/10/10/Bato-Dela-Rosa-last-minute-choice-president-.html
https://www.rappler.com/nation/house-plenary-debates-set-anti-discimination-bill
https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/manny-pacquiao-did-not-pass-any-law-years-as-legislator
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/highlights-bongbong-marcos-legislator
https://news.abs-cbn.com/news/10/07/21/robredo-files-coc-as-independent-presidential-bet
https://newsinfo.inquirer.net/1496555/manila-mayor-isko-moreno-files-coc-for-president
https://www.mppis.org/copy-of-bills-authored-and-passed-2
https://www.theguardian.com/sport/2016/feb/16/manny-pacquiao-gay-people-worse-than-animals
https://www.rappler.com/nation/elections/ping-lacson-files-certificate-candidacy-president-2022
https://www.manilatimes.net/2021/10/02/news/national/pacquiao-leads-early-coc-filers/1816866
https://news.abs-cbn.com/news/10/06/21/panfilo-lacson-files-coc-for-presidency
https://news.abs-cbn.com/news/10/29/20/ph-capital-manila-passes-ordinance-on-lgbtqi-protection
https://mb.com.ph/2018/02/12/senate-approves-anti-hazing-act-2018/
http://legacy.senate.gov.ph/senators/sen_bio/bmarcos_bio.asp
https://www.rappler.com/nation/flag-says-tokhang-documents-prove-drug-war-caused-cops-kill-suspects
https://www.rappler.com/nation/elections/list-names-candidates-president-vp-philippines-2022

