Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Nasaan si Kim Jong Un?

By aidangocheco

|2 min read

0 views
Nasaan si Kim Jong Un?

PYONGYANG, NORTH KOREA – Nawawala na ngayon ang pinunong Kim Jong-un. Huli siyang nakita sa isang pagpupulong noong Abril 12. Ipinahayag ng isang anonimong source na malala na ang kalagayan ng pangulo. Dahil dito, labis na naguusisa na ang mga tao sa buong mundo tungkol sa ano talaga ang nangyari sa presidente ng North Korea.

Ang North Korea ay nagsara ng kanilang mga paliparan, daungan, at iba pang mga border ng kanilang bansa noong Enero dahil sa COVID-19.

Noong Abril 15, ipinagdiwang ang kaarawan ng lolo ni Kim Jong-un, si Kim Il-sung, ang tagapagtatag ng North Korea. Ang pagdidiwang na ito ay isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa North Korea – ito ay isang pagdiriwang na kahit kailan ay palaging dumadalo si Kim Jong-un. Sa paanong paraan, ngayong taon hindi siya nakapagdalo at walang narinig mula sa kaniya magmula noon.

Dahil sa kataka-takang pagkawala ng pangulong Kim Jong-un, naiwan sa kaguluhan at espekulasyon ang mundo sa kalagayan ng North Korea.

Sabi ng isang anonimong source, mayroon siyang sakit sa puso na nagsimula pa noong Agosto ng nakalipas na taon. Sumailalim rin daw siya ng isang malaking operasyon, at ngayon, mapanganib na ang kanyang kondisyon. Karamihan sa mga news outlets ay nagbabalita sa kwentong ito. Gayunpaman, wala talagang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanya.

Si Peter Ward, isang mananaliksik sa ekonomiya ng North Korea at kolumnista para sa NK news website ay nagsasabi na alam niya na may sakit nga ang pangulo, pero hindi niya alam kung gaano kalala ito. Kung kasing malala nga ito kagaya sa mga sinasabi ng iba, dapat nasa-emergency mode na ang kanilang pamahalaan. Siguradong binabantayan na siya ng mga satellite, mga eroplano, at mga kotse. Ngunit hindi naman ito nangyayari.

Ipinapakita ng imahe mula sa satellite na may isang tren sa may beach resort sa Wonsan na pinaniniwalaang pribadong lugar ng pamilya ni Kim Jong-un. Sabi ng ilan pumunta siya dito upang mag-isolate dahil sa COVID-19.

Sa gitna ng lahat na ito, nagsimula na ang mga analista para alamin kung sino ang magiging kapalit ni Kim Jong-un. Hindi makumpirma ng mga eksperto kung may mga anak si Kim Jong-un kasama ang kanyang asawa na si Ri Sol-ju. Kaya, iniisip ng mga analista na ang kanyang mga kapatid ang papalit sa kanya. Si Kim Yo-jong, ang mas batang babaeng kapatid ni Jong-un ay isa sa palaging sumasama sa kanya. Siya ang pinaka-inaasahan na magiging bagong pinuno. Posible din na ang mas matandang lalaking kapatid ni Jong-un na si Kim Jong-chol ang papalit sa kanya. Ngunit, sa ngayon, kung sakaling mamatay ng bigla si Kim Jong-un, hindi malinaw kung sino man ang papalit sa kanya.

Dahil sa balitang ito, ang mga tao sa buong mundo ay gumagawa ng iba’t ibang teorya sa kung anong nangyari. Puno na ang Twitter at Facebook ng mga post tungkol dito. Kumakalat ang mga video sa kanyang kamatayan. Dagdag pa ng pagkalito.

Sa ngayon, sa panahon ng kahirapan, ang magagawa nalang natin ay umasa para sa magagandang bagay. Kahit na hindi tayo sigurado sa alinmang bagay ukol sa North Korea, ang isang bagay na sigurado ay hindi makakaiwas ng sakuna ang North Korea kung mamatay man si Kim Jong-un.

About the Writer

Related Articles