Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

FilipinoLiterature

Pakinggan

By Lorenzo Miguel

|1 min read

0 views
Pakinggan

Sulat ni Lorenzo Miguel, Guhit ni Sky Angeles

Anong nangyari sa ating mahal na bansa?

Binalewala ang puna’t boses ng masa.

Shutdown sa haligi ng balita ang atasan,

Cease and Desist Order umano ang dahilan.

Balisa’t takot ang nadala nito sa bansa,

Nawala at naglaho na ang boses ng masa.

Sila’y lumaban at pinatotohanan ang panig nila datapwa,

Halal ng mga opisyal na ito ay ipasara na.

Umiyak ang buong bayan sa balita,

Totoong nawala na ang boses nila.

‘Di makapaniwala ang mamamayan sa kanilang pasya,

Opinyon ay ipinahayag sa labas ng Sgt. Esguerra.

‘Wag nang mag-alinlangan at mag-abala,

Nagsisibangon na muli ang agila.

About the Writer

Related Articles