R. A. 11479
By Stallion Wordpress
|1 min read

Mga mayang munti na tahimik ang huni.
At tuwing ang mga ito’y nilalapitan,
likas na ang mga ito’y iiwas at tatakas.
Resulta ng kanilang kawalang laban.
Tinig nila’y naglaho at
inagaw dahil sa mga
abusong dulot ng mga nadala at natangay ng kapangyarihan; isang
likas na pagsasamantalang walang hanggan.
Lipunan na noon pa ay pinamumunuan ng takot.
Ang batas na ginawang sandata para
Walang maawit ang mga ibong ito; o ang
mga tali’t lubid na gagamiting panghuli
upang hindi bumuka ang pakpak ng maya; kay sarap mangarap na
lilipad muli ang mga maya, at
ibabalik sa kanila ang kalayaang umawit.
Katulad ng sinabi ni DU3*
For it is not the eagle in the fight,
but the fight in the eagle that matters.
—July 18, 2019, T minus 1 Year

