Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

<strong>GURO</strong>

By Joshua Ong

|1 min read

0 views
<strong>GURO</strong>

ni Joshua Ong

Isang pagbibigay pugay

sa mga taong rason ng aming pagkatuto at tagumpay,

At isang pagdiriwang,

sa mga gurong tinuturing naming bayani magpakailanman.

Sa paglipas ng bawat taon,

Sa tuwing hindi maganda ang panahon,

o kaya’y may pagsubok na hinahamon,

Mula sa ABCD, 123 hanggang sa Calculus,

Kasaysayan, Agham, pati na rin ang CLE

Kahit ukol sa mga problemang walang kinalaman sa asignatura nila,

Handa silang makinig at turuan ka.

Sa kabuuan ng aking pag-aaral

Para sa lahat ng naging guro kong marangal:

Dahil sa inyong hindi nauubos na pasensya kapag kami’y maingay;

Sa walang tigil ninyong paggabay;

Sa pagtulak para ipamalas ang aming kakayahan,

Sa bawat pagbuo ng madali o mahirap man na pagtatasa,

Sa bawat gabing nagpupuyat para maiwasto at maibalik ang aming mga papel,

Sa mga presentasyong inyong inihahanda na siksik ang aral,

At sa bawat rason na hindi na kasya sa tulang ito,

Isang malaking pasasalamat dahil naging guro namin kayo.

About the Writer

Related Articles