Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Tagisan ng Husay at Talento ng mga Xaverian sa Lakanlahi Grand Finals 2025

By Kalvin Onghantiac (9C)

|2 min read

0 views
Tagisan ng Husay at Talento ng mga Xaverian sa Lakanlahi Grand Finals 2025

Ni: Kalvin Onghantiac (9C)

Idinaos noong Agosto 29, 2025 ang Lakanlahi Grand Finals 2025 na pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino at Sandugo. Layunin ng programang ito maitaguyod ang ating wika at ipakita ang kahalagahan ng kulturang Pilipino bilang bahagi ng pagsasara ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura ngayong buwan ng Agosto. Ipinamalas ng mga estudyante sa Lakanlahi Grand Finals—ang kanilang talento, husay sa wika, at malawak na kaalaman tungkol sa Pilipinas.

Sa patimpalak na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga piling kinatawan mula sa bawat baitang ng Mataas na Paaralan ng Xavier School upang ipamalas ang kanilang husay sa wika, ipakita ang natatanging talento, at buhayin ang diwang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pagtatanghal.

Narito ang mga pangalan ng mga mag-aaral na naging kinatawan ng kanilang baitang sa prestihiyosong Lakanlahi Grand Finals.

Ikapitong Baitang: Kean Marlon L. Tumbali (7I)

Ikawalong Baitang: Albert Leviticus A. Awa (8F)

Ikasiyam na Baitang: Kristian Massimo M. Nograles (9C)

Ikasampung Baitang: David Liam E. Tan (10C)

Ikalabing-isang Baitang: Cade Marcus C. Martinez (11F)

Bilang tampok na bahagi ng Lakanlahi 2025, ipinakilala sa entablado ang mga piling kinatawan ng bawat baitang sa kanilang First Walk at Adbokasiya. Sa pamamagitan ng makabuluhang kasuotan at maikling talumpati, ipinahayag nila hindi lamang ang kanilang personalidad at pinagmulan, kundi pati na rin ang kanilang mga adhikain panlipunan at paniniwala bilang kabataang Pilipino. Ang bahaging ito ay nagsilbing pagpapakita ng kanilang tapang, kumpiyansa, at malasakit sa kapwa at sa bansang Pilipinas — na higit pang nagbigay saysay sa selebrasyon.

Matapos nito, isinagawa ang Talento Portion kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagkanta, pag-arte, at iba pang sining na nagpahayag ng kanilang damdamin at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Sinundan ito ng Question and Answer segment, na nagbigay ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang talas ng isip, lohikal na pangangatwiran, at kahusayan sa wikang Filipino. Bukod dito, naghandog din ng espesyal na pagtatanghal ang bandang Yago Aliling at 7F sa piling awiting OPM na lalo pang nagpasigla sa hapon.

Sa pinakahihintay na bahagi, opisyal na ipinakilala ang mga nagwagi. Itinanghal si Cade Martinez (Grade 11) bilang Lakan ng Madla, Natatanging Kasuotan, at nakakuha ng pangunahing parangal na Lakanlahi 2025 dahil sa makapangyarihang pagsasadula ng Noli Me Tangere at mahusay na pagsagot sa tanong ng hurado. Si Massimo Nograles (Grade 9) naman ay pinarangalan bilang Pinakamahusay na Talento at Lakan ng Wika na nagpakita ng malikhaing pagtatanghal ng kantang “Umuwi Ka Na Baby”. Samantala, si David Tan (Grade 10) ay kinilala bilang Lakan ng Kultura at ang kanyang talento ay pagtugtog ng biyolin ng awiting Pasilyo. Sa kabuuan, hindi lang ito ang isang pangyayari puno ng magaling talento at potensyal, ngunit mga karapat-dapat na kabataang modelong nagpapaganda ng ating kultura at wikang Pilipino at handang maglingkod sa ating bansa.

About the Writer

Related Articles