Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Filipino

Tala

By Jose Guiang (10A), Sean Ramirez (10A), Joshua Ong (11G) and Raj Hortaleza (10C)

|21 min read

0 views
Tala

Nina Jose Guiang (10A ), Sean Ramirez (10A), Joshua Ong (11G) at Raj Hortaleza (10C)

Pagkadating ko sa aming karinderya, nagmano ako sa aking nanay.

‘Nay: “Ligo ka muna, anak.”

Maria: “Opo.”

Pagkatapos kong maligo, isinuot ko na ang aking palda na binili ni ‘nay sa mga Ifugao noong nagbakasyon kami sa Nueva Vizcaya, puting t-shirt, at itim na sapatos. Sinuot ko rin ang aking hikaw. Pinabili ko ‘yon sa aking tatay nung nasa Dubai pa siya. Gusto ko sana ang hikaw na may malalaking perlas, subalit ‘di kinaya ng kanyang pera kasi ang mahal.

Tinawag ako ni Nanay at diretso akong bumaba para tumulong sa paghuhugas ng mga pinggan.

‘Nay: “Ano ba ‘yan lagi ka na lang nakaayos.”

‘Tay: “Siyempre mahal, saksakan sa ganda ng anak ko, e.”

Napangiti ako.

Dinala ko ang mga order sa may labas ng karinderya. Dalawang bulalo ang order nila. Sa isip ko, mga anim siguro ang kumakain doon.

Pagkalabas ko, wala akong makita na lamesang may maraming tao. Isang lalaki at babae lang ang nakaupo sa labas.

Tiningnan ako ng lalaki kaya nahiya ako at pumasok ulit sa loob.

Maria: “Nay, para sa kanila ba talaga yung order na ‘to.”

‘Nay: “Oo, bakit? Yung tatay mo ang kumuha ng order nila.”

‘Tay: “Sa kanila ‘yan. Matatakaw ‘ata yung dalawang ‘yon, e. Nagulat nga ako, eh. Sa order nila, iisipin mong madali silang tataba. Amerikano ‘ata sila, e.”

Maria: “Amerikano? Talaga? Baka akala nila na pang isang tao lang yung Bulalo dito.”

Binalikan ko sila.

Maria: “Sir, are you sure you want to order two?”

John: “Um… why?”

Maria: “One order here is um uhh… for three.”

Hindi ako masyadong magaling sa ingles.

Maria: “Maybe you want just one so not a lot of throw after?”

Ayaw na ayaw ni nanay na may tinatapong pagkain kasi sayang naman daw ang pinaghirapan niya.

John: “Oh, I see. Sure.”

Nakangiti siya. Binigay ko sa kanila ang kanilang Bulalo. Nagpasalamat ako at bumalik sa likod.

Maria: “Grabe, ang hirap nilang kausapin”

Tumawa ang aking nanay.

Tinitingnan ko ang mga Amerikano habang sila’y kumakain. Napansin kong lumilingon din sila sa akin habang nakatingin. Nag-uusap rin sila nang pabulong-bulong.

Dumaan pa ang ilang minuto at natapos din silang kumain. Nilapitan nila ako para magbayad.

John: “Masarap Bulalo.”

Parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya.

Maria: “Thank you!”

Binalik ko ang kanyang sukli.

John: “Thanks. What’s your name?”

Maria: “Maria po.”

Tumango sila at nagtinginan.

Maria: “Why are you asking, po?”

Parang kinabahan pa ako.

John: “Well, we noticed your pretty tanned skin and you must like nice clothes. I work for a modeling agency and my wife, Mona, is a model. We were wondering if you want to work as a model in the US.”

Maria: “Ha! Sa US?! Uh. Uh. Opo! Opo! Um. Uh. Yes! Yes! I want.”

Sumigaw ako nang malakas sa saya. Sa lakas ng sigaw, napatingin ang buong karinderya. Pati ang agent, napangiti.

Maria: “Sir, tomorrow you come back. I will tell my uh, parents. We will be closed tomorrow.” Umalis sila at habang nagtatrabaho ako sa karinderya, malaki ang ngiti sa aking mukha. Tinatanong ako ng mga tao kung bakit ako masaya ngayon.

‘Nay: “Maria, may boyfriend ka ba? Parang may sinagot ka ng lalaki, e.”

Maria: “Hindi po. Sasabihin ko po sa inyo ni ‘tay mamaya.”

Pagkatapos namin isarado ang karinderya, kumain na kami ng hapunan. Nagdasal muna kami bago kumain.

Maria: “‘Nay, ‘tay, may sasabihin po ako sa inyo.”

‘Tay: “Ano ‘yon anak? May boyfriend ka?”

Maria: “Ha! Hindi po!”

Nagulat ako. Siguro kanina pa nila ‘to iniisip.

‘Nay: “E di, bakit sobrang saya mo ngayon.”

Maria: “Iyong mag-asawang Amerikano po kanina. Sa modeling agency daw sila nagtatrabaho. Gusto daw po nila akong kunin na model sa US.”

Napapangiti talaga ako tuwing naaalala ko ang nangyari kanina.

‘Tay: “Talaga ba anak! Proud na proud talaga ako sa anak ko. Tingnan mo, desinuwebe anyos pa lang itong anak ko, sisikat na siya agad.”

Sumigaw ang aking tatay.

‘Nay: “E, anak paano mo sila makakausap ulit? Umalis na sila kanina, e?”

Maria: “Babalik po sila bukas. Kakausapin ka po nila.”

Nag-usap pa kami ng buong gabi.

Sa susunod na araw, sarado ang karinderya, hinintay naming bumalik yung Amerikano. Sabado ngayon, kaya wala akong pasok. Dumating sila ng alas dos.

Maria: “Hi, po.”

Mona: “Hi! Where are your parents?”

Tinawag ko sila.

Lumabas sila at tiningnan yung mag-asawa. Mukhang namangha si ‘nay sa tangkad ng dalawa.

‘Tay: “Hi! I’m Maria’s father. Do you really want to recruit my daughter?”

John: “Yes. I’m John Trump from IMG Models. We represent some of the top models in the world, like Gigi Hadid, Laura Harrier, and Hailey Bieber. Call me John. My wife is Mona.”

“Call me John,” daw? John pala ang pangalan niya.

Binigyan niya kami ng business card. Tumango si ‘tay.

‘Tay: “What needs to be done?”

John: “Well, there are a few papers that need to be signed and she would need a work visa, but the agency will handle most of the things.”

‘Tay: “We will talk about it. Thank you.”

Nag-usap pa sila. Mukhang masaya ang tatay ko pero napansin kong hindi masyadong naaliw si ‘nay.

Pagkatapos nilang mag-usap, umalis na sina John at Nicole.

Pagdating ng hapunan, masayang-saya si ‘tay pero hindi ko talaga malaman kung bakit nalulungkot si ‘nay. Kahit noong nagdasal kami, iba ang mukha niya.

Bumulong ako kay ‘tay.

Maria: “Tingnan mo si ‘nay, o. Kanina pa siyang ganyan.”

‘Tay: “Mahal, okay ka lang ba?”

‘Nay: “Papapuntahin mo ba talaga siya sa Amerika?”

‘Tay: “Kung gusto niya. Mukhang ngayon pa lang, nasasabik na siyang pumunta doon.”

Bumuntong-hininga si ‘nay.

Maria: “Opo ‘nay! Dati ko pang pangarap ang maging model, di ba? Naaalala mo pa ba noong palakad-lakad ako doon sa may kalye noong bata pa ako? Pakiramdam ko talaga noon na nasa stage ako kaya ‘nay, gustong-gusto ko talaga ‘to. Sige na po.”

‘Nay: “Sige na nga. Kahit ano naman sabihin ko, hindi kita mapipigilan, e.”

Halos apat na buwan ang paghahanda para sa aking biyahe at minadali pa ito. May kakilala kasi si John na empleyado sa American Embassy kaya napadali tuloy ang aking mga papeles. Nagpadala ako ng aking litrato sa agency, at nakapirma na kami ng kontrata. Matutulog daw ako sa isang dormitoryo na malapit sa main building ng agency kasama ang ilan pang nakababatang modelo. Libre na ang aking pagkain, tubig, at kuryente.

Tinuruan din ako ni ‘tay ng Ingles. Nagtrabaho kasi siya sa Dubai bago siya magretiro kaya medyo magaling din siya sa wikang Ingles. Gumaling naman ang aking Ingles, pero nahihirapan pa rin ako nang konti sa ilang mga salita.

Nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan at kapamilya.

Noong huling gabi ko na sa aming probinsya, humiga ako sa tabi ng aming bintana para masilayan nang huling beses ang kalawakan ng langit. At sa mapayapang kadiliman, kumikinang ang nag-iisang malaking bituin na lagi akong pinapatulog tuwing gabi. “Mamimiss ko ito pagkaalis ko bukas,” bulong ko sa aking sarili, at mahimbing akong nakatulog sa ilalim ng iba pang mga bituin dahil alam kong magbabago na ang simpleng buhay na ito bukas.

‘Nay: “Anak, mag-ingat ka, ha.”

Maria: “Opo ‘nay.”

‘Tay: “Huwag mong kalimutang kumain nang mabuti at alagaan ang sarili mo. ‘Di ka namin laging makakausap kasi wala kaming cellphone at wifi, magpapadala na lang kami ng sulat. Maghanap ka rin ng mga kaibigan doon para ‘di ka naman nag-iisa,” paalala naman ni ‘tay.

‘Nay: “Kunin mo ‘to anak.“

Inabot niya sa akin ang rosaryo at maliit na poon ng Santo Niño.

‘Nay: “Magdasal ka tuwing nahihirapan ka.”

Maria: “Opo. Hindi ko ‘yan makakalimutan.”

Niyakap nila ako nang sabay at hindi nila ako mabitawan. Sa mga sandaling iyon, unang beses ko lang narinig ang mga salitang “mahal kita” mula sa aking ina kaya’t sinulit ko na ang huling yakap namin.

Tinawag na ako ni John. Hindi na siya makapaghintay dahil mukhang mahaba raw ang pila ngayon. Nagmadali ako dahil akala ko na maiiwan ako pero nakaabot pa naman ako sa pila papasok. Unang beses ko ‘tong sumakay sa eroplano. Andami palang kailangang gawin at dalhin para makaalis ng bansa. Makalipas ang tatlumpung minuto na paghihintay sa terminal, sumakay na kami sa eroplano. Nauna kami sa ibang pasahero tapos dinala kami sa isang malaking upuan na pwede palang ihiga.

John; “We’re in first class, it’s my congratulatory gift for you.”

Pagkatapos ng labing-anim na oras na biyahe papuntang New York, namangha ako sa panibagong lugar pagkababa namin ng eroplano. Ibang-iba iyong hangin at hitsura ng mga tao kumpara sa Pilipinas. Nung papunta kami sa aking titirahan, nakakaaliw ang taas ng mga gusali at ang pagkadaming tao na naglalakad sa kalsada. Habang ako ay napatulala, napaisip din ako kung paano na ang sitwasyon ng aking mga magulang at kaibigan sa Pilipinas. Pagkadating namin doon, binati kami ng dalawang napakagandang babae.

Steph: “Hey! You’re Maria, right? I’m Steph and this is Justine. We’re also models here. Your roommates couldn’t welcome you because they’re in a shoot right now.”

Tumango lang ako dahil medyo nahihiya pa ako sa aking malabong pag-Ingles.

Sabay nilang kinuha ang aking bagahe at sinamahan papunta sa aking kwarto.

Steph: “This is your room, you’ll be here with Justine, Kiara and Naomi.”

Maria: “Thank you,” sinabi ko nang mahina.

Pumasok sila at dinala nila ako sa isang kwartong mukhang bagong linis lamang.

John: “Your roommates will be back tonight. They’ll come with you to my office tomorrow,” sabi naman niya bago umalis.

Pagkaalis nilang lahat, nagulat ako sa aking napakagandang kwarto. Maliit siya, pero maganda pa rin. Kitang-kita ang mga gusali na punong-puno ng ilaw. Malaki rin ang sala namin. Napasigaw talaga ako dahil sa Pilipinas, maliit lang ang aming tirahan dahil malaki ang espasyo na ginagamit para sa karinderya. Tumingin pa ako sa iba’t-ibang kagamitan sa loob ng kwarto at may natagpuan akong aircon at heater.

Inayos ko na ang aking gamit. Konti lang ang aking dala, mga damit, sipilyo, sapatos, at iba pa.

Pagdating naman ng gabi, hindi ako makatulog. Natulog na kasi ako sa eroplano. Inisip ko na lang sina nanay. Inaayos na siguro nila yung karinderya ngayon.

Naligo muna ako. Isinuot ko ang aking sando at maigsing shorts na pambahay lang. Paglabas ko ng aking kwarto, may dumating na mga babae. Baka ito sina Justine, Kiara at Naomi. Mapuputi, matatangkad at mapapayat silang lahat. Para silang mga manika sa kanilang ganda.

Maria: “Hi!”

Justine, Kiara at Naomi: “Oh, hi I guess.”

Parang hindi sila masyadong masaya noong nakita nila ako kaya ngumiti lang ako.

Justine: “Um, we’ll go into our rooms now. You should go back to yours.”

Maria: “Okay.”

Ang sungit nila pero pinabayaan ko na lang kasi baka pagod lang sila.

Nakaisang oras lang ako ng tulog sa una kong gabi. Sa sumunod na umaga, nagising ako at lumabas ng kwarto kasama ni Kiara.

Maria: “Good morning. Where is the office?”

Gumulong ang kanyang mata. Hindi pa rin siya masaya noong nakita niya ako. Lumabas rin ang iba kong kasama sa dorm. Mukhang nawawala ang ngiti nila tuwing nakikita ako.

Naomi: “It’s across the street.”

Nagbihis na ako.

Sinabayan ako ni Steph.

Nag-usap kami habang papunta sa kabilang gusali. Mas malaki ito at maraming bintana. Nagpatulong ako para hanapin ang opisina ni John. Siya rin pala ang agent niya.

Nag-usap muna kami ni John.

John: “How are your roommates?”

Maria: “Hmm.. so far, they’re okay.”

John: “I guess that’s good.”

Binigyan niya ako ng pera. Nagtaka ako. Naibigay naman niya yung signing fee sa aking magulang.

John: “Your father gave me back some of the money. He asked me to give this to you when we get here. He knew you wouldn’t accept it from him.”

Nag-alangan muna ako bago ko kinuha, pero mas maganda na nasa akin ang pera kaysa kay John.

Maria; “Thank you, po.”

John; “Your english has gotten better.”

Napangiti lang ako.

John: “Your first gig starts tomorrow. Anyway, I noticed you didn’t bring much. My wife and daughter are going out later. Come shop and eat with them.” Lalo akong nahiya.

Maria: “I’m sorry. I don’t think I should.”

John: “Come with us. You’re in a new city. You should explore. It’ll be fun.”

Maria: “Okay.”

Pagkabalk ko sa kwarto, naligo muna ako. Sinuot ko ang ‘More fun in Ilocos shirt’ na binigay sa ‘kin ni ‘nay. Biglang may kumatok sa aming pinto. Hindi ko na pinansin kasi binuksan na ni Naomi ang pintuan.

Naomi: “Mrs.Trump? Megan?”

Mona: “Hi, Naomi! Where’s Maria?”

Naomi: “In that room. Why are you here?”

Nagulat ‘ata siya sa pagdating nila.

Megan: “We’re gonna take her out.”

Pumasok sila sa aking kwarto.

Megan: “What are you wearing?”

Maria: “Um… My mom give me this shirt.”

Megan: “Do you have any other clothes?”

Maria: “I have a little.”

Tiningnan nila ang aking kakaunting damit.

Megan: “Come with us. I’m surprised by the amount of your clothes, or lack thereof.”

Hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin. Sumama na lang ako sa kanila. Pumunta kami sa bilihan ng mga damit kung saan mukhang puro mamahalin ang kanilang ibinebenta. Huminto muna ako.

Maria: “Wait. I cannot buy these clothes. I only have a little money.”

Mona: “It’s ok. We’ll pay for it.”

Maria: “Huh? Why?”

Mona: “John believes in you, We believe in you, too. When you are the best model in the country, it will be your turn to take us out.”

Maria: “Thank you.”

Ngumiti ako nang malaki. Binilhan nila ako ng damit. Ilang beses akong pumasok at lumabas ng fitting room. Pinapili nila ako at binili nila para sa akin ang pulang kardigan, asul na bestida at puting pantalon. Dinala nila ako sa mga malalaking kainan. Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami hanggang sa gabi. Sa huli, nakarating rin kami sa Times Square.

Mona: “Is there anything you want to do?”

Nag-isip ako. May nakita ako sa gilid ng aking mata. Naamoy ko ‘rin.

Maria: “Sisig!!!”

Hinanap ko ang nagbebenta. Dinala ko sila roon.

Maria: “You brought me everywhere today. I want to show you something from my country.”

Bumili kami ng sisig. Pinatikim ko sa kanila. Sa una’y nag-atubili silang kumain ng sisig. Pero, noong natikman na nila, umorder sila ng tag-isa pang sisig. Nagustuhan nila.

Madaling araw na noong ako’y nakarating sa dorm. Mukhang tulog na ang lahat. Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Dahil sa pagod, natulog na ako kaagad.

Kinabukasan, ginising ako ni Steph. Nahiya ako sa kanya kasi nakapambahay lang ako.

Steph: “We’re almost late for the gig. Hurry!”

Nagmadali akong magbihis. Hinintay muna ako ni Steph sa labas.

Maria: “Diyos ko! Ngayon pa ‘ko nagising nang tanghali!”

Buti na lang sa may opisina ni John ang mga maliliit na shoot. Pagdating namin, pinaayos na kami kaagad. Pinanood kami ni John. Nandoon na sina Naomi, Kiara, at Justine. Ba’t ‘di nila ako ginising?

Nilagyan ako ng make-up at pinagsuot ng magandang damit.

Maganda ang make-up na nilagay sa akin. Bigla kaming pinag-catwalk at pose sa isang maliit na runway. Hindi ako masyadong praktisado. Nakailang ulit kami bago ko nakuha ang tamang pamamaraan ng paglakad. Malaki ang ngiti ng ibang mga modelo noong nagkakamali ako pero hindi ko na lang sila pinansin. Si Steph lang ang sumuporta sa akin.

Pagkatapos, nilapitan ako ni John.

John: “You did well today.”

Maria: “I didn’t.”

Hindi na ako masyadong nahiyang kausapin sina John and Steph pagkatapos akong ipasyal ng asawa at anak ni John.

John: “You’re right, you didn’t do that well, but you’re still beautiful and we still have to celebrate. Let’s go to the movies tonight.”

Narinig ito ng mga ibang babae. Sumimangot sila.

Sa gabi, nanood kami ng pelikula. Pagkatapos naming manood, dinala ko siya sa bilihan ng sisig. Filipino store pala ang bentahan. Gamit ko ang pera na iniwan sa akin ni ’tay. Binilhan ko siya ng Hopia, Ube Halaya at Sinigang. Nagustuhan niya ang mga pagkain. Bumili rin ako ng mangga at bagoong. Dinala ko ito sa dorm.

Sa sumunod na araw, may shooting ulit kami. Maaga akong nagising ngayon. Pagkatapos namin, kinausap ulit ako ni John.

John: “You’re doing better. You seem more comfortable, too.”

Maria: “Thanks.”

Maya-maya, mga alas tres, kinain ko yung mangga at bagoong na binili ko kahapon.

Naomi: “What smells bad?”

Inamoy niya iyong bagoong.

Naomi: “Uh! What are you eating?”

Maria: “Bagoong.”

Naomi: “Don’t eat that here. It smells horrible. Also, what are you eating? It’s hard and yellow. That’s disgusting.”

Maria: “Oh. Uh. Sorry. I’ll try not to make it smell next time, but it would be a waste to throw this out.”

Naomi: “Uhhh.”

Kinuha niya ang bagoong at tinapon. Hindi ko siya napigil dahil ibinato niya kaagad sa basurahan.

Pumasok muna ako sa aking kwarto. Biglang naalala ko ulit ang Pilipinas. Nakaramdam ako ng lungkot at kaya tinawagan ko si Megan.

Maria: “I don’t feel good right now. Do you want to go somewhere?”

Megan: “Sure,” sagot niya nang masaya.

Pumunta siya sa aking dorm.

Naghintay ako ng mga kalahating oras. Nang dumating si Megan, lumabas kami kaagad. Kumuha kami ng taxi at pumunta sa isang mall.

Megan: “Are you okay? You said you weren’t feeling good.”

Maria: “Well, the other models don’t really like me. When they look at me, like they hate me.”

Bumuntong-hininga si Megan.

Megan: “What do you mean? What did they do to you?

Pumapatak-patak ang aking luha. Pumunta kami sa banyo at doon nag-usap.

Maria: “I feel like my roommates hate me. They’re always mad when they see me and they keep on treating me badly. I don’t think they think I’m a good model either.”

Niyakap niya ako at sinubukan niya akong patahanin.

Megan: “Don’t mind them. You have the potential to be one of the top models in the world. We don’t know why they are like that, but just remember that they will never be as good as you.”

Kumuha siya ng tissue para ipahid sa mga luha ko. Natuwa naman ako sa sinabi niya at sinubukan kong kumalma.

Maria: “Thanks but how do I send a letter home?”

Megan: “Come with me.”

Dinala niya ako sa koreo. Naghulog ako ng isang sulat. Kinamusta ko ang aking mga magulang at kinwento ang mga nangyari sa akin dito. Sinabi ko rin sa kanila na nalulungkot ako dahil hindi ko sila makita. Dinagdag ko ang mga kabaitan ni Steph, ni John at ng kanyang pamilya.

Pagkatapos, namasyal lang kami. Bumili na rin kami ng make-up.

Pagkalipas ng isang linggo, nakatanggap ako ng isang sulat. Galing ito kay ‘nay at ‘tay. Maganda pa rin naman daw ang negosyo at masaya sila. Naiyak ako nang konti. Siguro, namimiss ko na talaga sila. Nakita ko iyong litrato namin na dala-dala ko.

Tinago ko ang kanilang sulat at ang litrato para hindi ko na sila maalala at maiyak.

Sa loob ng isang linggo, natapos ulit ang isa pang gig. Masungit pa rin ang mga modelo sa akin.

Araw-araw, pumupunta ako sa pinoy store para kumain. Nagdarasal din ako bago matulog. Hindi ko nakakalimutang magpasalamat sa Diyos.

Dumaan pa ang isang buwan. Wala pa ring nagbabago. Marami na kaming gig at nabayaran na kami ng ilang beses.

John: “Congrats on your first month!”

Maria: “Thank you. I’ll go now. I have a date with Steph.”

Nginitian niya na lang ako.

Lumipas ulit and dalawang buwan. Madalas pa rin akong nagpapadala ng pera at sulat sa Pilipinas. Isang araw, pinuntahan ako ni Kiara sa kwarto at nakita niya ang aking mga damit.

Kiara: Ew! These clothes look horrible. You should really throw these away.”

Maria: “Oh ok. Maybe I should.”

Sa sumunod na araw, pinamigay ko ang aking mga damit.

Habang tumatagal ang panahon na nandito ako, pakiramdam ko na mas lumalayo ako sa aking mga kaibigan. Nakaipon na rin ako para makabili ng cellphone kaya nakagawa na ako ng sariling kong account sa Instagram. Dahil maraming magagandang lugar dito, puro picture na lang ginagawa ko tapos natuto pa akong mag-edit ng litrato. Kasi siyempre paano ka naman sisikat sa Instagram kung maitim ang balat mo tapos pango pa ilong mo. Totoo naman kasi na mas maganda ang mga batang Amerikano na parang papel ang balat tapos mukhang manika.

Megan: “I saw your picture on instagram.”

Maria: “Oh really? Did you like it?”

Megan: “Well… it’s different.”

Pagkatapos ng aking ikalawang taon sa New York, isa na ako sa pinakasikat na modelo sa agency. Habang ako’y tumataas sa mga pagraranggo, sabay din na lumalaki ang simangot ng aking mga kasama. Patuloy din lumalaki ang aking sahod. Hindi na ako bumibili ng mga pagkaing Pinoy at hindi na rin ako nagdarasal kasi mabuti naman ang aking kalagayan. Patuloy na rin gumagaling ang aking ingles.

Sa sumunod araw, pinatawag ulit ako ni John sa kanyang opisina.

Binigyan niya ako ng isang sobre.

Maria: “What’s that?”

John: “It’s an invitation.”

Maria: “Who is it from?”

Binuksan niya na lang ang sobre. Hindi na siguro siya makapaghintay.

Binasa niya ito nang malakas.

John: “Dear Ms.Ramirez, we would like to invite you to debut our summer collection, entitled, “True Beauty” in the summer gala next month. From: Louis Vuitton”

Hindi ako makapagsalita. Ngumiti lang si John. Nakanganga lang ako.

Biglang pumasok si Steph.

Tumili ako nang malakas. Gulat na gulat si Steph.

Steph: “What’s happening?”

Sinabi namin sa kanya ang nangyari sa akin. Sa gabi, isinama ko siya at si Megan para ipagbunyi ang aking tagumpay. Pagkatapos naming kumain, dumaan ulit kami sa Times Square. Nakita ko ulit ang Pinoy Store. Medyo nalungkot ako noong nakita ko ito, pero hindi ko na lang pinansin.

Lumipas ang ilang linggo, araw na ng summer gala.

Marami kaming ginawang preparasyon. Pinapili ako sa asul na crop top, pulang shorts, puting bag at dilaw na kardigan o puting palda at itim na crop top. Pinili ko na lang yung pangalawa.

Sa gabing iyon, sa hotel ako natulog. May kumatok sa pintuan.

Maria: “Who is it?”

John: “It’s John, I have a surprise for you.”

Pinagbuksan ko siya ng pinto.

Maria: “What is it?”

Biglang may lumabas na lalaki at babae sa gilid.

‘Nay: “Kamusta ka, anak?!”

Maria: “Nay! ‘Tay! Paano kayo nakapunta dito?”

‘Nay: “Pumunta si John sa Pilipinas para sabihin sa amin na ipadadala niya kami rito para makita ka namin.”

Malaki ang aking ngiti pero umiyak din ako. Niyakap ko sila.

Maria: “‘Nay, ‘Tay, lika. Pasok tayo.”

Pinasalamatan namin si John.

Nag-usap kami nang matagal. Dalawang taon ko na silang hindi nakikita at nakakausap. Gising kami ng hanggang hatinggabi.

Matutulog na ako noong sinabihan ako ni ‘nay.

‘Nay: “Hindi ka ba magdadasal, anak?”

Maria: “Ah. Opo ‘nay. Magdadasal po ako.”

Sinabi ko ito kahit matagal na akong ‘di nagdadasal.

Sa susunod na araw, nagising ako ng mga alas-ocho. Gising na si ‘nay.

Kumain kami ng almusal sa hotel pero naglagay muna ako ng make-up.

‘Nay: “Anak, ito lang ba talaga ang mga damit mo.”

Maria: “Marami naman po akong dala.”

‘Nay: “Asan ang mga pinadala namin sa iyo. Yung palda na galing sa Banaue. Tsaka yung T-shirt na galing Ilocos.”

Maria: “Ah. Tinapon ko na po yung mga iyon, e. Nakabili na po kasi ako ng magagandang damit.”

‘Nay: “Ah, ok.”

‘Tay: “Matagal ka na bang ‘di nakakakain ng Bulalo? Sisig.”

Maria: “Opo.”

‘Tay: “May nakita kaming pinoy store kahapon noong dumaan kami sa Times Square.”

Maria: “Ay. Opo. Hindi po ako masyadong pumupunta doon, eh.”

Tumango lang si ‘Tay.

Ipinasyal ko sila pagkatapos kumain.

‘Nay: “Anak, mukhang maraming make-up sa kwarto mo.”

Maria: “Ay, opo ‘nay. Magaganda ang mga make-up dito. Hindi lang ako makapagpadala kasi hindi ko sigurado kung magagamit mo.”

Sa gabi, pumunta ako sa venue nang maaga para maghanda. Habang nilalagyan ako ng make-up, kinausap ako ni ‘nay.

‘Nay: Anak, anong nangyari habang nandito ka?

Maria: Marami po. May mga kaibigan ako at maganda naman po ang buhay ko dito.

‘Nay: “Anak, alam ko kapag may pinagdaraanan ka. Noong nasa Pilipinas tayo, masaya ka. Noong nasa Pilipinas tayo, sobrang hilig mo sa dinuguan, sisig, bagoong, lahat lahat na. Ngayon, pati ang mga damit na galing sa mga probinsya, tinapon mo. Parang wala kang namimiss sa Pinas.”

Maria: “Mas maganda naman po kasi ang mga gamit dito. Kung hindi ko gagamitin ang mga damit dito, kainin iyong pagkain dito, paano ako tatanggapin ng mga tao dito.”

‘Nay: “Anak, sa Pilipinas ka pinanganak. Doon ka lumaki. Hindi mo kailangan ang mga mamahaling gamit na mabibili rito para matanggap. Kailangan mo lang ang iyong sarili. Ipakita mo lang ang totoo mong sarili, magtatagumpay ka.”

Maria: “Matagal na ako dito ‘nay! Marami na akong nagawa dito. Mas maganda ang gamit nila dito. Mas maganda ang bahay dito.”

‘Nay: “Totoong maraming mas maganda dito, pero hindi mo mapapalitan ang iyong dugo at kulay.”

Nagalit ako kay ‘Nay.

Umalis ako at pumunta sa dressing room.

Maria: “Megan, am I beautifu?l”

Megan: “Of course. You wouldn’t be here if you weren’t.”

Maria: “But do you think I’m actually beautiful, without all the makeup?

Megan: “Maria, you don’t need and you never needed the makeup.”

Matagal kong pinag-isipan iyong sinabi ni ‘nay at Megan.

Kalahating oras bago magsimula iyong gala, nakita ko si Steph at Megan.

Maria: “Steph, there’s a pair of blue crop top and red shorts in the closet. Can you get it?”

Steph: “Okay.”

Maria: “Megan, come help me. I need to get this make-up out of my face.”

Megan: “Are you sure?”

Maria: “Yes.”

Nagmadali kami. Buti na lang maganda ang mga produkto na ibinigay nila sa akin. Nawala agad ang make-up. Sinuot ko rin iyong damit na pinakuha ko kay Steph.

Tumakbo ako sa likod ng kurtina. Hinahanap na ako ng host. Buti na lang nakaabot pa ako.

Nauna akong lumabas sa catwalk.

Nandito na ako. Sa pinakahinihintay kong sandali. Lumingon ako kina Kiara, Naomi at Justine. Nginitian ko na rin sila. Lumingon ako kina Steph at Megan.

Sumigaw yung host.

“Ladies and gentlemen, please welcome Maria Ramirez who will debut our summer collection. “True Beauty.”

Pagkatapak ko sa entablado, pinigilan kong tumulo ang aking mga luha. Nakabibingi ang mga hiyaw ng mga nanonood at nakasisilaw ang lahat ng mga ilaw na nakatutok sa ‘kin. Siguro, hindi ko nga talaga kailangang magtago sa likod ng ibang kulay. Nandito na ako, naglalakad sa pinakamalaking entablado para patunayan na ako ay matapang; para patunayan na kumikinang din ang kulay kayumanggi. Wala akong kailangan maliban sa aking dugo, lakas ng loob, at pamilya. Para sa gabing iyon, ako ang pinakamaningning na tala na sumasaklaw sa kalangitang ngayo’y aking abot-kamay.

About the Writer

Related Articles