Stallion
Stallion

The official trilingual publication of Xavier School, est. 1962.

Literature

Tanaga

By Mr. Angelo B. Mallari

|1 min read

1 views
Tanaga

by Mr. Angelo B. Mallari

MAGING MABUTI

‘Wag nating kalimutan

Ang ating kabutihan

Sa gawa at isipan

Tamang landas ang sundan

MAGSISIMULA SA IYO

Kung ‘di ka magbabago

Sa buhay walang bago

Dahil ang pagbabago

Magsisimula sa iyo

IYONG BAKIT

Kung ramdam mo ang sakit

Pagod, puyat, pasakit

Huwag sanang iwaglit

Isipin iyong bakit

SISIDLANG WALANG LAMAN

Kung napapagod ka na

Dapat kang magpahinga

‘Pag sisidlan mo’y wala

‘Di mapunan ang iba

RESPETO

Matutong rumespeto

Ng ating kapwa-tao

Magkaiba man tayo

‘Di tamang mang-insulto

About the Writer

Related Articles